Thursday, June 30, 2011

Para sa aking kaibigang senti


Gusto kita,
Alam mo ba kung bakit?
Di ko rin alam,
May kung ano sa iyo na kakaiba.

Tuwing kasama kita,
di dama ang pangamba.
Ikaw ang nagpapasaya ng bawat kong araw,
nagpapainit sa kalendaryo kong bahaw.

Masaya talaga 'pag ikaw ulit
Tawa ko ay di pilit.
Kilala ko ang sarili ko 'pag ikaw ang kasama
Nasasabi ang aking nadarama

Tila walang dapat itago
'Pagkat ikaw ang ligaya ko
Masaya akong sabihin lahat ng kahinaan ko
Sarap ding pakinggan lahat ng kwento mo

'Yung mga hirit mo,
nagpapasakit ng tiyan ko.
'Yung mga hirit ko,
nagpapahagalpak sa 'yo.

Tila tayo'y may sariling mundo
Di nila tayo tanto
Paliwanag ay di na kailangan,
'pagkat agad nagkakaintindihan

Mga wirdo nating pangarap,
Tayo lang kumakatha.

'Yung kaunting salita ko,
agad kuha mo.
Wala ng malalim na eksplinasyon,
tawanan agad 'yun.

Mga wirdo kong gawa,
mas malala ka pa pala,
kaya naman,
gustung-gusto kita

Money war na drama ko,
tayo lang nagkakatoto.
Tuwing kasama kita,
bawat minuto ko'y laughtrip na.
Gamot ka ba?
Tila anti-stress ka.

Di ka matampuhin,
ikaw ay maintindihin.
Nirerespeto mo ang privacy ko,
Di ka mapanghimasok.
Hinihintay magkwento
ng mga bagay na maibabahagi ko.

Nirerespeto mo rin ang oras ko,
di ka paimportante,
iniiwan kita,
iniiwan mo ako.
Tila ika'y kapatid,
walang tampu-tampo.
'Yun 'yung gusto ko,
tunay na malasakit iyon.
Tunay na pagtutulungan,
Sign of maturity nga naman.

Nakakarelate ka sa bawat kong komposisyon,
Pinatunayan mo 'yun panahon man ng ambon.
Mas malalim pa sa karangalan ang sarap na natatanggap ko,
Tuwing nababatid mo ang bawat likha ko.

Di ko rin naman malilimutan ang Taylor Swift mo,
Ang nilalang na nag papasaya sa'yo.
Tila nagtampo si lady gaga,
heto't isasama ko na rin s'ya.

Minsan nga'y nagkatampuhan,
dahil sa di pagkakaintindihan.
Hinihintay akong mag-sorry,
Hinihintay kitang mag-sorry,
Naghihintayan tayo,
Pagkatapos, biglang nagtawanan.
Naghihintayan pala tayo?

Minsa'y nalulungkot,
Naiisip kong magkakawalay na tayo
Lilipad ka na
habang ako'y nasa kokun pa.
Pero masaya, kasi inspirasyon kita.
Dahil sa 'yo, kakayanin ko.

Sa lungkot at ligaya,
Salamat at nand'yan ka.

Dati 'pag panalo,
nagseselebreyt ng pasikreto.
Dati, pagnagtatampo,
itinatago at umiiyak sa kanto

Pero dumating ka,
Biglang natatawa.
tila lahat ng istatus ko
nais ibahagi sa 'yo.

Basta, 'wag limutin
ang ating karoling.

Friday, May 20, 2011

disappointed

I was super disappointed...

Sometimes you thought you did your best.. but still it wasn't really your best..

Argh, so sad to know you did not make it

Well, anyway at least I learned.

Maybe there's something to do with my pitch. I have a high one.

What I am disappointed at is that I practiced perfectly... but at the actual performance, it was a real mess.

Alright so I need not to give up^_^

You can't be the best all the time. All you need to do is to keep on trying.

There is the right time for everything. You don't need to lose hope.

That's life. It's not about popularity or becoming the number 1. It's about showing what you've got.

So what if they did not appreciate it? It really doesn't matter.

Still practice. Don't be bothered of the bad opinions.

Apply what you have learned.

So since I have learned this speech stuffs, therefore, I should apply it with my case presentations and reportings.

Just be sure to modulate your voice and try to be as natural as possible^_^

Saturday, May 14, 2011

Makipot

Makipot ang daan patungo sa tamang landas. maluwag ang daan sa kasamaang mukhang masarap. Hindi nagkakamali ang Diyos sa mga gusto Niyang mabuo. Kaligayahan Niyang lumikha. Kung may barrier, paano ka Niya gagamiting instrumento? Kung di tayo gagana, ibig sabihin wala tayong kwenta. Mas magaling ba tayo sa Kaniya? Nakakahiya tayo, pinaglalaban ang sarili nating gusto. Pinagtatawanan ang mukha nga namang walang kwentang rason. Maluwag talaga ang daan patungo sa kabila. Kung naniniwala kang may Diyos, mauunawaan ang salitang sakripisyo. Mahirap bang kadakilaan Niya'y respetuhin? Kung di ka naniniwalang totoo Siya, wala ng dapat pagusapan pa.

dama

sadyang maramdamin, itong pusong nangingimi

Mga taong manhid, bakit di nagkalat ng lahi

Kapag nakikinig, mga pangungusap nasa isip

Salita'y nakapinid sa likod ng ngiti

Nagkukubli ang nadaramang hapdi

Itong luha, bubulwak sa dilim

Wag nalang umimik, nang hagulgol ay di biglang sumirit

Lahat ng nadarama, sa titik kinakatha

Tanging sumisipi, walang hanggan sa pakikinig