sadyang maramdamin, itong pusong nangingimi
Mga taong manhid, bakit di nagkalat ng lahi
Kapag nakikinig, mga pangungusap nasa isip
Salita'y nakapinid sa likod ng ngiti
Nagkukubli ang nadaramang hapdi
Itong luha, bubulwak sa dilim
Wag nalang umimik, nang hagulgol ay di biglang sumirit
Lahat ng nadarama, sa titik kinakatha
Tanging sumisipi, walang hanggan sa pakikinig
No comments:
Post a Comment