eminence
Wednesday, March 27, 2013
Wednesday, August 15, 2012
RH BILL
Tuesday, July 31, 2012
Ang Atmospera sa Sekondarya
II-Molave
III-Garnet
II-Banaba
Kakaiba..
Iba ang mga behavior. Iba ang simoy ng classroom. Bata pa nga.
Doon namulat sa katotohanan, iba na pala talaga ngayon.
Natantong, iba na pala ang kolehiyo.
May dibisyong naghahati ng kamulatan nilang musmos,
sa abstrak na pag-iisip ng mga kolehiyo.
Ganun ba kami dati? Siguro nga.
Nang malanghap ko ang paligid, naalala ko ang pampublikong paaralan kong giliw.
Simoy ng pawis ng bawat batang nag-uumpisa pa lamang alalahanin ang sarili.
Takbuhan at unahan na 'di alintana ang kapaligiran.
Oo, tanda ko, ganito rin ang senaryo sa aming alma mater.
Ang dakila kong paaralan sa tinaguruang Art Capital of the Philippines.
Takbuhan, walang pakialam ang mga kabataan. Katawan kong lampa'y laging nababangga.
Kay rami namin.
Nakatatakot ang recess 'pagkat lahat ay nag-uunahan, siksikan.
Yaon nga ang panahong nag-uumpisa pa lang saliksikin ang mundo, ngunit bilang paglalahat ay wala pa ring malay rito.
Sa pagtuturo sa mga estud'yante ng sekondarya, natuwa ng 'di sad'ya. Nagbalik ang mga alaala ng lumipas. Panahong ang lahat ay umaastang animo'y marunong na. Napapangiti...
Naalala ang nagdaan, nang kilos-lalaki pa.
T-shirt at maluwag na short ang laging suot.
Walang pakialam sa kagandahan basta ang mahalaga'y komportable sa pangangatawan.
Hilig ang maiksing buhok, kilos ay wala sa mood.
Subalit ngayon... Tuwing nagkikita ang dating magkakaeskwela, panay ang asar, babaeng babae na daw. 'Di ito namalayan, subalit natantong kung iisipi'y totoo rin naman...
Tandang-tanda pa rin ang pagsisimba sa San Clemente, pagkatapos ng klase'y magbibihis ng pambahay at maglalakad ng pagkalayu-layo.
'Di nais magsimba ng may kasama, aywan kung bakit.
Sa simbahan, paboritong puwesto'y sa pinakaharap bandang kaliwa, kasama ang mga manang na sila't sila pa rin ang laging nakikita.
Na pagdaka'y magagalit kapag may ibang taong pup'westo sa puwesto nila.
May mga magtsi-tsismisan 'pagkat ubod ng pangit aking kasuotan, na tila ba ito'y malaking kabastusan. Patawad naman, 'pagkat nang mga panahong yao'y wala pa talagang presentableng maisuot.
Tuwing dadalaw si Inay sa aking inuupahang k'warto, sasabog ang bibig at walang hanggang sermon ang aabutin,
"Gusto mo bang magkarayuma?
Wala ka ng ibang ginawa kundi maglakad ng pagkalayu-layo!
Tama na'ng magsimba ka tuwing Linggo!
'Wag naman gabi-gabi!
Dapat mag-stay ka lang dito! Para kang palaboy! ........"
Naiiyak dati, wari'y walang nakauunawa, subalit ngayon...
Ngayo'y natatawa kapag nagugunita.
High school, nakagigitla kapag naiisip na ganoon pala kami noon.
Nakaka-miss rin. Ang mga kaibigang wala ng ibang ginawa kundi banggitin ang kaliitan ko.
Panahong panay ang asaran at kagutuman.
Lahat ay kumpetitib.
Pinakahihintay ang Buwan ng Wika, Buwan ng Nutrisyon, Buwan ng Agham, at Reading Month.
Bakit? Dahil ito ang mga panahong ngumingiti ang bulsa tuwing may Poster Making Contest.
Tuwing may laban, kalimitang walang dalang kagamitan, paano nakaaagpas?
'Yun ay dahil sa kaawa-awang magiging katabi na maya't maya'y hinihiraman ng gamit...
lapis, panitik, at mga pangkulay...
Pagkatapos ng patimpalak ay nagi-guilty, sasabihing, "Papalitan ko na lang po!" Tila pagpapala ang sagot nilang, "'Wag na, wala iyon!"
Kakaiba..
Iba ang mga behavior. Iba ang simoy ng classroom. Bata pa nga.
Doon namulat sa katotohanan, iba na pala talaga ngayon.
Bumalik tayo sa kasalukuyan...
Nagturo, masayang nagpaka-maestra.
Sa una'y lubhang nagulat, 'pagkat nasanay sa kumplikadong panayam ng pagkakolehiyo.
Ngunit sa kanila'y nararapat lamang na pabagalin ang pagtuturo,
ulitin ang kangina'y tapos ng ituro,
maging maingat sa mga terminolohiya.
Sekswalidad. 'Yan ang paksa na inihatid sa kanila.
Sa kursong narsing sad'yang normal na'ng ito'y talakayin, sa tainga'y lubhang nakabibingi, sa isipa'y nakamamanhid.
Subalit... Iba sila...
Musmos pa nga ang pang-unawa.
Kung gaano kami kamusmos dati ng kami'y nasa yugtong tulad nila.
Mainam maging maingat sa pagtatalakay.
Ingatan ang transisyon ng kanilang pagkatuto...
Gaya ng transisyon ng "iyo at ng aking" pagkatuto...
Tuesday, April 17, 2012
“Peace Be With You”
Sa simbahan, ika’y nakikita…
Parehong oras
Parehong pwesto
Natutuwa ako sa ‘yo
Pero tuwa lang talaga iyon
Nang tumakbo ka, sabi ko, ah ikaw pala
Pero nung natalo ka, apektado ako ba’t kaya
Naalala ko sa fb hinanap pala kita
Sabi ko para sa akin panalo ka
Pagkaraan ng ilang araw, nag-thank you ka
Sa isip ko, ganun lang ‘yun? Bakit naman
Ta’s sa ‘tin ako’y pumunta
Pangalan mo’y nakabalandra
Sa lahat, ikaw ang nanguna
Bigla akong naiyak sa tuwa
Sa tuwa ko
Sa kaibigan ika’y kinuwento
Laking tuwa n’ya
Tuwang-tuwa rin ako
Isang gabi, nag-text s’ya bigla
Nagpa-picture daw s’ya ikaw ang kasama
Tawa ako ng tawa habang nagbabasa
Patay tayo d’yan na-inlab na
Ubod ng saya kung kinukwento n’ya
Peksman, tuwang-tuwa ako para sa kan’ya
Tinanong n’ya sa ‘kin kung crush kita
Sabi ko hindi kasi hindi naman talaga
Nang mag-chat kayo
Dama ko ang saya ng kaibigan ko
Naisip ko sana maging kayo
Dahil masaya talaga ako ‘pag masaya ang babaeng ‘to
Tanong n’ya kung ako’y galit ba
Ni kaunti wala talaga
Pero natameme akong ‘di sadya
May bigla akong naalala…
‘Di ko na pala maaaring sabihin pa
Ang nais ko sa ‘yong sabihin matagal na…
Kung saan nagsimula ang lahat…
Sa simbahan, ika’y nakikita
Parehong oras
Parehong pwesto
Panahong natutuwa ako sa ’yo
95% wala naman talagang gusto
Pero mayroong natirang limang purs’yento
Iyon ang mga alaala
Alaalang wala lang kwenta
Oo nga ‘no
‘Di ko na pala maaaring sabihin ang mga pangyayaring 'yon
Naiintindihan ko na
Kung bakit ako tinanong kung ako’y galit ba
Galit? Ni kaunti wala talaga
Masayang masaya pa nga ako para sa in’yo
Dahil siguro nakikita ko ang ligaya sa mga mata nito
May ganun palang klase ng pakiramdam
Tipong ang saya mo sa natatamasang ligaya ng kaibigan
Habang nalilito sa pansariling nararamdaman
Pero di pa rin maawat ang hagalpakan
Gusto kitang tularan
Gusto kitang maging kaibigan
Pero ang intens’yon ay magiging masama
Kung hindi ito malalaman ng aking kaibigan
Nang sa telepono’y tumawag s’ya
Kasabikan sa fb ay nabanggit n’ya
Naalala tuloy ang dapat kong sabihin sa kan’ya
Na ang kalituhan ko’y humupa na
Si inay ay nasa tabi ko
Maganda ang pakiramdam ko
‘Pagkat tiyak matutuwa siya sa sasabihin ko
"Na ikaw nga’y nagugustuhan ko"
"Hala lagot," ang nasambit ng kaibigan ko
Na-guilty sa narinig ko
Tila umepal ako sa kaligayahan niya
Lubha akong nag-alala kahit kami’y tumatawa
Pagkababa ng telepono
'Kala ko’y natuwa ang inay ko
Kung minamalas nga naman
Sangkatutak na galit ang inabutan
Siya’y galit na galit
Bakit ko daw sinambit
Malalim na hiya
Ang aking nadama
Tila kinikitil ang buo kong pagkatao
Nang marinig ang pangaral ng inay ko
Marahil ay tama ito
Di man aminin ng kaibigan ko’y sinaktan ko ang kan’yang puso
Ngunit anong magagawa
Ang mga salita’y nasabi na
Hindi ko alam kung ano ba ako sa kaniya
Subalit siya sa akin ang taong lubos akong nagtitiwala
Masarap sabihin sa umpisa
Pero maya-maya’y hindi na
Ang salitang "gusto kita"
Nakakikilabot talaga
Sana’y ‘di na lang kinahon sa salita
'Di rin naman sanay sa ganung kahangalan
Di naman seryoso, nakiki-"in" lang
Sana’y nanatili na lang ang kalituhan sa isipan
Sana’y naging babae ka na lang
Nang wala sanang pag-aalinlangan
Maghihintay na lang ako
Sa 6:45 na serve ko
Dun ko lang natatamo ang "peace be with you"
Mula sa bibig mo
-ace samera
Monday, February 13, 2012
Naramdaman mo na ba ang pakiramdam na masaya ka na, gustung-gusto mo na ang mga pangyayari... at biglang mauudlot pa...
It's nice to know that there are some mechanisms that enables a person to cope with his grieves and overcome depression...
Basta okay na ko...
Thank you Lord God...
Thursday, June 30, 2011
Para sa aking kaibigang senti
Gusto kita,
Alam mo ba kung bakit?
Di ko rin alam,
May kung ano sa iyo na kakaiba.
Tuwing kasama kita,
di dama ang pangamba.
Ikaw ang nagpapasaya ng bawat kong araw,
nagpapainit sa kalendaryo kong bahaw.
Masaya talaga 'pag ikaw ulit
Tawa ko ay di pilit.
Kilala ko ang sarili ko 'pag ikaw ang kasama
Nasasabi ang aking nadarama
Tila walang dapat itago
'Pagkat ikaw ang ligaya ko
Masaya akong sabihin lahat ng kahinaan ko
Sarap ding pakinggan lahat ng kwento mo
'Yung mga hirit mo,
nagpapasakit ng tiyan ko.
'Yung mga hirit ko,
nagpapahagalpak sa 'yo.
Tila tayo'y may sariling mundo
Di nila tayo tanto
Paliwanag ay di na kailangan,
'pagkat agad nagkakaintindihan
Mga wirdo nating pangarap,
Tayo lang kumakatha.
'Yung kaunting salita ko,
agad kuha mo.
Wala ng malalim na eksplinasyon,
tawanan agad 'yun.
Mga wirdo kong gawa,
mas malala ka pa pala,
kaya naman,
gustung-gusto kita
Money war na drama ko,
tayo lang nagkakatoto.
Tuwing kasama kita,
bawat minuto ko'y laughtrip na.
Gamot ka ba?
Tila anti-stress ka.
Di ka matampuhin,
ikaw ay maintindihin.
Nirerespeto mo ang privacy ko,
Di ka mapanghimasok.
Hinihintay magkwento
ng mga bagay na maibabahagi ko.
Nirerespeto mo rin ang oras ko,
di ka paimportante,
iniiwan kita,
iniiwan mo ako.
Tila ika'y kapatid,
walang tampu-tampo.
'Yun 'yung gusto ko,
tunay na malasakit iyon.
Tunay na pagtutulungan,
Sign of maturity nga naman.
Nakakarelate ka sa bawat kong komposisyon,
Pinatunayan mo 'yun panahon man ng ambon.
Mas malalim pa sa karangalan ang sarap na natatanggap ko,
Tuwing nababatid mo ang bawat likha ko.
Di ko rin naman malilimutan ang Taylor Swift mo,
Ang nilalang na nag papasaya sa'yo.
Tila nagtampo si lady gaga,
heto't isasama ko na rin s'ya.
Minsan nga'y nagkatampuhan,
dahil sa di pagkakaintindihan.
Hinihintay akong mag-sorry,
Hinihintay kitang mag-sorry,
Naghihintayan tayo,
Pagkatapos, biglang nagtawanan.
Naghihintayan pala tayo?
Minsa'y nalulungkot,
Naiisip kong magkakawalay na tayo
Lilipad ka na
habang ako'y nasa kokun pa.
Pero masaya, kasi inspirasyon kita.
Dahil sa 'yo, kakayanin ko.
Sa lungkot at ligaya,
Salamat at nand'yan ka.
Dati 'pag panalo,
nagseselebreyt ng pasikreto.
Dati, pagnagtatampo,
itinatago at umiiyak sa kanto
Pero dumating ka,
Biglang natatawa.
tila lahat ng istatus ko
nais ibahagi sa 'yo.
Basta, 'wag limutin
ang ating karoling.